"All I need is the power to be able to protect my comrades. So long as I can have the strength to do that, I don't care if I'm weaker than everyone in the world"
-Erza Scarlet (Fairy Tail)
Background Illustrations provided by: http://edison.rutgers.edu/

And the trick of love is to never let it find you. It’s easy going over missing out. But I know the hows, and when. And now and then, she’s all I think about. By Indiana, Jon McLaughlin

Closing Time

Minsan, mahirap talaga kapag nagkagusto ka sa isang tao, pagkatapos hindi ka nya gusto. Hirap syang sabihin sa iyo na hindi ka nya gusto, siguro dahil ayaw niyang masaktan ka… Pero hindi nya alam na mas masakit yung ganoong pakiramdam - yung nakatitig ka sa kawalan, umaasa, na baka kahit katiting na pag-asa, ay meron ako sa kanya. Ngunit ang totoo eh wala.

Mahirap din malaman na may iba pala. May ibang tao na mas nakakapagpasaya sa kanya. Siguro ganito nga ang ikot ng mundo - kahit gaano mo pa kagusto ang isang bagay o isang tao, hindi palaging napupunta sa iyo.

Di bale, ang mahalaga, masaya naman sya. Dun, okay na ko dun. Napakamartir mang pakinggan, pero mahirap naman kasing ipilit ang isang bagay na malabong maging katotohanan.

Mas pinili ko nalang isalba ang pagkakaibigan, kasi yun, matagal, may kasiguraduhan, at kahit papano, sa ganong sitwasyon, hindi sya tuluyang nawala sakin.